Monday, November 3, 2008

12 SIMPLE WAYS TO SUPERCHARGE YOUR BRAIN

Have you ever felt exasperated when you bumped into someone at the store but absolutely couldn't remember their name? Sure, it happens to all of us.
Despite being the strongest computer on the planet, our brains do lapse. It's hard to blame them really. As humans, we spend much of or existence stuffing our brains with stuff.
No matter how powerful our brains are, they need recuperation time to be kept in shape. Think of it as a tune up for your brain. Skipping brain maintenance is as silly as the person wandering the parking garage because they forgot where they parked. Is that you? Are you that person? If so, fear not; we are all that person at some point.
Now I am not a brain surgeon and I am not going to suggest you do anything surgical or dangerous. I am however an astute student of human behavior so I always look for simple ways to super charge my brain.
Here are some things you can begin doing as soon as today to begin the great brain tune up:
Eat AlmondsAlmond is believed to improve memory. If a combination of almond oil and milk is taken together before going to bed or after getting up at morning, it strengthens our memory power. Almond milk is prepared by crushing the almonds without the outer cover and adding water and sugar to it.
Drink Apple JuiceResearch from the University of Massachusetts Lowell (UML) indicates that apple juice increases the production of the essential neurotransmitter acetylcholine in the brain, resulting in an increased memory power.
Sleep wellResearch indicates that the long-term memory is consolidated during sleep by replaying the images of the experiences of the day. These repeated playbacks program the subconscious mind to store these images and other related information.
Enjoy simple PleasuresStress drains our brainpower. A stress-ridden mind consumes much of our memory resources to leave us with a feeble mind. Make a habit to engage yourself in few simple pleasures everyday to dissolve stress from your mind. Some of these simple pleasures are good for your mind, body and soul.
Enjoy music you love
Play with your children
Appreciate others
Run few miles a day, bike or swim
Start a blog
Take a yoga class or Total Wellness routine
Exercise your mindJust as physical exercise is essential for a strong body, mental exercise is equally essential for a sharp and agile mind. Have you noticed that children have far superior brainpower than an adult does? Children have playful minds. A playful mind exhibits superior memory power. Engage in some of the activities that require your mind to remain active and playful.
Play scrabble or crossword puzzle
Volunteer
Interact with others
Start a new hobby such as blogging, reading, painting, bird watching
Learn new skill or a foreign language
Practice Yoga or MeditationYoga or Meditation relives stress. Stress is a known memory buster. With less stress, lower blood pressure, slower respiration, slower metabolism, and released muscle tension follows. All of these factors contribute significantly towards increases in our brainpower.
Reduce Sugar intakeSugar is a non-food. It’s a form of carbohydrate that offers illusionary energy, only to cause a downhill slump once the initial burst has been worn off. Excess intake of sugar results in neurotic symptoms. Excess sugar is known to cause claustrophobia, memory loss and other neurotic disorders. Eat food without adding sugar. Stay away from sweet drinks or excess consumption of caffeine with sugar.
Eat whole wheatThe whole wheat germs contain lecithin. Lecithin helps ease the problem of the hardening of the arteries, which often impairs brain functioning.
Eat a light meal at nightA heavy meal at night causes tossing and turning and a prolonged emotional stress while at sleep. It’s wise to eat heavy meal during the day when our body is in motion to consume the heavy in-take. Eating a light meal with some fruits allows us to sleep well. A good night sleep strengthens our brainpower.
Develop imaginationGreeks mastered the principle of imagination and association to memorize everything. This technique requires one to develop a vivid and colorful imagination that can be linked to a known object. If you involve all your senses - touching, feeling, smelling, hearing and seeing in the imagination process, you can remember greater details of the event.
Control your temperBleached food, excess of starch or excess of white bread can lead to nerve grating effect. This results in a violent and some time depressive behavior. Eat fresh vegetables. Drink lots of water and meditate or practice yoga to relieve these toxic emotions of temper and stressful mood swings.
Take Vitamin B-complexVitamin B-complex strengthens memory power. Eat food and vegetables high in Vitamin B-complex. Stay away from the starch food or white bread, which depletes the Vitamin B-complex necessary for a healthy mind.
I don't believe these are that tough. If you find yourself increasing stumped, give a couple of these a try.
Written by Shilpan Patel of Success Soul and cross-posted from Dumb Little Man, a web site that provides tips for life that will save you money, increase your productivity, or simply keep you sane. (BY JAY@DUMB LITTLE MAN)

Tuesday, May 27, 2008

PARAISO SA PUSOD NG CAMOTES ISLAND (PAGBABALIK-TANAW SA KASAYSAYAN)

ISANG munting paraiso ang nakahimlay mga 33 milyang nutikal sa Hilagang Silangan ng siyudad ng Cebu sa sentro ng Pilipinas--at ito’y ang arkipelago ng Camotes.
Ang Camotes group ay kinabibilangan ng apat na pulo: Pacijan (bayan ng San Francisco, Poro (mga bayan ng Poro at Tudela), Ponson (bayan ng Pilar) at Tulang (isang barangay na matatagpuan naman sa San Francisco).
Sa antigong panahon ng bansa, ang coastal settlements sa mga islang ito ay nasa pusod ng sibilisasyon: maunlad na pangangalakal ng komunidad at mga mahahalagang daungan para sa mga artists at artisans.
Ang mga Asyano sa Timog Silangan at mga banyagang Tsino ay nagsidayo rito sa isla para maglatag ng kani-kanilang mga negosyo, katuwang ang karamihan sa mga mangingisda (mandaragat) at mga magsasaka, na binibigyang tibay naman sa pamamagitan ng isang buo at solidong pre-Hispanikong barangay na nalikha sa bayan ng Poro noong 70s.
Taong 1521, ilang araw matapos madiskubre ni Portuguese explorer Ferdinand Magellan ang Pilipinas para sa España, ang kasaysayan ay kumulapol sa mga isla ng Camotes.
Matapos ang makasaysayang misa sa Mazaua (Limasawa) Leyte, isinulat ni expedition official chronicler Pigafetta sa kanyang pluma na ang parada (flotilla) ng limang bangka ay sumaglit sa Polo (Poro), di-kalayuan sa Pozon (Ponson) at mga isla ng Ticobon (Pacijan), para hintayin si Kolambu, ang noo’y chieftain ng Mazaua.
Hindi naglaon ay tumulak na ang pangkat na iyon patungong Zubu (Cebu) kung saan itinirik ni Magellan ang isang dambuhalang Krus na yari sa kahoy upang magsilbing timbulan ng Kristiyanisasyon ng España sa Malayong Silangan. Kaya naman sa kasalukuyang panahon, nadiskubre na ng mga taong nagpapatirapa sa araw at kalikasan ang karisma ng Camotes (sweet potatoes o kamote sa salitang Español).
Nagtutungo na nga sila sa isla para tanghuran ang mga naggagandahang beaches at lakes; at walang pag-aalinlangang nilalagok ang mayabong na kultura at kasaysayang ibinubunyi sa pamamagitan ng mga awitin at kwento ng mga magagalang at responsibong mamamayan dito. (GILBERT LAGUNA PERDEZ/ SNIPER-XTREME.BLOGSPOT.COM)

Friday, May 23, 2008

"DISCOVERING ENCHANTING CAMOTES" (HALINA'T MAMASYAL SA CAMOTES ISLAND)

HABANG tinitipa ko ang artikulong ito, isang tourist caravan ang nakatakdang tumulak patungong Camotes Island kung saan ang biyaheng ito'y pinamagatang “Discover Enchanting Camotes” at babaybay sa buong isla mula Mayo 24 hanggang 25, taong kasalukuyan.
Ang caravan na ito ay sasabak sa mga prominenteng beach resorts sa Camotes na kinabibilangan ng Mangodlong Beach Resort, Santiago Bay Beach Resort, My Little Island Resort at Portabillo Bay Resort.
Si Cebu Governor Gwendolyn Garcia, kasama ang mga alkalde mula sa mga munisipalidad ng Camotes at ilang mga kinatawan ng resorts ay magkakapit-bisig sa nabanggit na biyahe.
Sa ulat ng Tour Camotes, ang biyahe ay itinakda mula alas-6:30 ng umaga (Mayo 24).
Samantala, ipinahayag ng Tour Camotes na pansamantalang hindi sila tatanggap ng reservations o travel arrangements sa Camotes Islands.
Kung kayo'y nangangailangan ng isang van o multicab patungo sa mga lugar sa Camotes na dinarayo ng mga turista, maaari kayong kumontak sa mga sumusunod na numero: CP#09064490080 o CP#09154098786.
Gayunman, ayon sa nabanggit na website, ang mga drivers ng sasakyan ay hindi konektado sa kanila.
Niliwanag na ang mga ito'y inirerekomenda lamang sa kanila ng mga kaibigan nila sa naturang lugar upang kumita at makatulong na rin sa mga dumarayong banyaga.
At gayundin, hindi nila kontrolado kung magkano ang hihinging bayad ng mga drivers.
Sa sandaling magkaroon ng problema o aberya sa mga kinontak na tsuper, mangyaring ipagbigay-alam agad sa website na naturan. Maraming salamat po.
Enjoy your stay in Camotes! (GILBERT LAGUNA PERDEZ/ VISIT MY BLOG AT: WWW. SNIPER.X-TREME.BLOGSPOT. COM)

Tuesday, March 25, 2008

CAMOTES ISLAND, ANG AKING LUPANG SINILANGAN

ANG Camotes Islands ay pangkat ng apat na pulo na matatagpuan sa probinsya ng Cebu.
Ang salitang ‘camotes’ ay ‘sweet potatoes’ sa salitang Espanyol.
Ang grupo ng mga islang ito ay nasa silangang bahagi ng Cebu, timog kanluran ng Leyte, at hilagang bahagi naman ng Bohol.
Ang Camotes ay binubuo ng limang isla at munisipalidad—Poro, Tudela, Pacijan, Ponson, at Tulang. Ang Tulang ay sakop ng Barangay Esperanza, na sakop naman ng San Francisco.
Ang mga isla ng Pacijan at Poro ay nagkarugtong matapos tambakan ng lupa.
Nahiwalay naman ang Ponson sa karagatan ng Camotes, matatagpuan mga apat na kilometro mula sa timog silangang Poro.
Ang Tulang dulong hilaga ng Pacijan. Mabababa ang mga lupain sa isla ng Camotes.
Isang bundok lamang ang makikita sa Pacijan at isa rin sa Poro.
Ang mga bundok na ito ang ginagamit ng mga telecommunications company para sa relay stations. Sariwa ang tubig sa Pacijan na makikita mga dalawang kilometro sa lawa.
Ang mga Palm trees naman ay dominante sa islang ito.
Hindi rin mabilang ang mga natibong pagkain, namumungang punong kahoy at mga halaman.
Noong 1942, inokupahan ng mga puwersa ng Hapones ang Camotes Islands sa Cebu.
Taong 1945, ang liberasyon o kasarinlan ng tropa ng Philippine Commonwealth ay dumating sa Camotes na naging dahilan nang pagsiklab ng giyera noong World War II sa naturang isla.
Matibay na industriya sa Camotes ang pagsasaka (kabilang na rito ang mais, palay, baboy, manok at baka), pangingisda at turismo.
Na-establisa na rin sa isla ang mga tourist resorts, hinahalina rin nito ang mga domestiko at mga dayuhang internasyunal.
Tanyag dito ang Santiago Bay Garden & Resort, Mangodlong Rock Resort and Greenlake Park.
Samantala, ang Porohanon o Camotes Visayan ay gamit na salita ng mga taga-bayan ng Poro. Ang wikang ito naman ay pamilyar din o kahalintulad ng salitang Cebuano at ginagamit ito sa iba pang lugar sa Camotes Islands at sa buong probinsya ng Cebuano, Hilagang Mindanao at iba pang dako sa Visayas.
Sa wikang Porohanon, ang nakakagawiang letra ng mga Cebuano na “y” ay nagiging “z”.
Halimbawa: “Maayong buntag” (magandang umaga) sa Cebuano ay nagiging “Maazong buntag” sa Porohanon.

Saturday, March 22, 2008

THE BLACK PANTHER TRAGEDY

WINARAT ng kakulangan ng progreso sa sosyal at isyung pulitikal at bumabalikwas sa umiinog na sigalot sa lupa, lumutang ang ilang grupo para isulong ang alituntuning radikal upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin tungo sa katarungan at pagkakapantay-pantay.
Apat sa pinakaprominente at matagumpay na mga organisasyon ay kinabibilangan ng Black Panther Party, Students for a Democratic Society, Weather Underground Organization, at Youth International Party, o mas kilala rin bilang Yippies.
Ang Black Panther Party ay itinatag noong 1966 sa Oakland, California, nina Bobby Seale at Huey Newton.
Hiniling nilang kontrolin ang mga eskwelahan, medical centers, welfare programs, at police system sa mahirap na black areas, exemption mula sa military service at karapatang magkaroon ng mga kamay upang maprotektahan ang kanilang mga sarili.
Inorganisa nila ang maraming tsapter sa buong bansa, nagtatag ng liberasyon sa mga eskwelahan, breakfast programs para sa mga bata, at medical clinics sa mga mahihirap na lugar. Nagkaroon na rin ng maraming komprontasyon ang Black Panthers sa mga pulis na nagdulot nang pagkakabaril at pagkakaresto ng ilan sa kanila.
Ang SDS ay ipinundar sa Chicago noong 1962 at naging aktibo ng mga panahong iyon sa college campuses sa buong nasyon.
Noong mid-sixties, naging aktibo ang grupo sa pakikipaglaban sa karapatang sibil, ngunit nang maglaon ay mas pinagtuunan nila ng pansin ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa giyera sa Vietnam.
Ang SDS ay madalas makipag-ugnayan sa mga aktibidad sa Black Panthers at iba pang kaalyadong radikal, bagama’t noong una, ang Marxist, ay nangangahulugang protesta o pagbabalikwas.
Samantala, isang splinter group na mas kilala bilang Weathermen ay naniniwala na makakamit lamang nila ang kanilang mga mithiin sa pamamagitan ng bayolenteng rebolusyon at gawaing terorismo.
Idinawit tuloy ang grupong ito sa maraming insidente nang pambobomba sa mga eskwelahan at institusyong pederal.
Kasabay nito, ang Youth International Party (ang Yippies), ay siyang ugat nina sixties activists Abbie Hoffman at Jerry Rubin.
Inilatag nila ang guerrilla street theater na sadyang dinesenyo upang makuha ang atensyon ng media.
Halos magtagumpay sila noong 1968 Democratic Convention sa Chicago kung saan ibinandila nila ang Yippie candidate para sa president­a pig na pinangalanang si Pigasus.
Matapos sumiklab ang mga rayot na yumanig ng ilang araw sa Chicago, sina Hoffman, Rubin, Black Panther Bobby Seale at na iba pa ay dinakip makaraang makipagsabwatan upang maisagawa ang mga karahasan at pagtawid sa state lines na naglayong manggulo sa estado.
Ang grupo ay nabansagan bilang Chicago Seven. Matapos ang mahabang paglilitis, lahat ng mga kaso ay nabasura.

Thursday, February 28, 2008

SISTEMATIKONG PANUNUPIL! PWE!

LAHAT na yata ng kalokohan at kawalanghiyaan ay parang inilalabas na ng administrasyong Arroyo upang maibagsak si Engr. Rodolfo “Jun” Lozada, star witness sa ginaganap na mga pagsisiyasat ng Senado sa kontrobersiyal na National Broadband Network project. Noong una, pinalipad siya patungong Hong Kong, ilang araw bago ang nakatakdang pagharap niya sa Senado, at pagkaraan ay dinukot siya nang siya’y makabalik ng Pilipinas. Sa mga pagdinig sa Senado, ilang beses na tinangka ng ilang maka-administrasyong mambabatas na wasakin ang kanyang kredibilidad, ngunit hindi sila nagtagumpay. Ang sumunod ay ang ginawang pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang dating opisina, ang Philippine Forestry Corporation – na walang ibang layunin kundi ang takutin siya kalaunan, gayundin upang magsilbing babala sa mga saksi sa hinaharap. (FLON FAURILLO/ BULATLAT)

BAGUIO MEDIA JOIN MANILA COLLEAGUES’ SC CASE VS. PRESS FREEDOM THREATS

BAGUIO CITY (246 kms north of Manila) – Media practitioners in this summer capital city have signed a petition to intervene in a press freedom case filed by Manila-based media practitioners before the Supreme Court. The original petitioners in the case seek the aid of the Supreme Court in stopping top government agencies from continuously threatening press freedom.
The 16 journalists alleged in their petition-in-intervention for prohibition and injunction that they feel with equal effects the threats, intimidation, fear and apprehension as a result of government agencies move which they claimed serves as threat to press freedom and on their job to bring information to the public.
The Baguio-based journalists identified the following government agencies as respondents: Office of the Executive Secretary, Department of Justice (DoJ), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) including its Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), which continuously issue threats, warnings, advisories that are “couched in a general language that affect journalists and media practitioners – not only in Manila – but in the whole country.”
“The acts, threats, warnings, advisories, intimidation of the respondents produce the same, if not greater fear and chilling effect upon provincial press,” said the intervenors, whose intervention was pursuant to Rule 19, Section 2 of the Rules of Court.
“If the said act of respondents could be committed against major and leading national media outlets and companies and leading journalists based in the Metro Manila area, it would be much easier for respondents and those under their command, to stifle press freedom in the provinces and inculcate fear upon members of the provincial press and small provincial media outfits,” added the intervenors, who are from seven local and national media outfits.

Press freedom fight
The Baguio journalists claimed that their intervention is in-fact a fight against the government’s effort to stifle press freedom.
While hundreds of kilometers away from Manila, the journalists stressed that they feel the threats to media after the Manila Peninsula Hotel incident on Nov. 29, 2007. They defended their media colleagues in Manila, saying the latter had done nothing wrong in covering the incident.
“We would have done the same had we been there, or the same kind of incident happen in Baguio or the Cordilleras, as we feel it would have been part of our duty and function to gather the news and to report the same to the public who has the right to be informed,” the Baguio journalists said.
In supporting the petition, the said journalists claimed that the experiences of journalists in the Manila Peninsula Hotel who were manhandled by the government forces can happen to them hence they decided for the intervention.
“In fact, most of the media killed during the time of GMA were from the provinces,” said Frank Cimatu, one of the intervenors. “The threat and actuations by the respondents have widespread chilling effects on members of the provincial media. We want this threat to stop.”
The intervenors claimed in their petition that they do not aim to unduly delay or prejudice the adjudication of the rights of the original parties, but provide the court a more accurate view of the extent and effect of the acts of the respondents complained of and how it affects Philippine media, including those in the provinces who are more vulnerable on the said effects.

Land mark twin cases vs. media repression
It can be recalled that Manila-based journalists after the Manila Pen incident filed on Jan. 28 two cases against government agencies for the continuing media repression. One case filed at the Supreme Court seeks for Prohibition, Injunction with Temporary Restraining Order (TRO) while another class suit against government agencies was filed at the Regional Trial Court (RTC) of Makati which prays for damages and TRO.
The Baguio journalists who signed as petitioners-in-intervenors are Pablito Sanidad (Midland Courier), Renato Samuel Bautista (Baguio Sunstar Daily), Desiree Caluza and Frank Cimatu (Philippine Daily Inquirer), Artemio Dumlao and Fernando Zapata (Philippine Star), Dhobie De Guzman (ABS-CBN Northern Luzon), Thomas Picana (Manila Times), Martina Sales, Rimaliza Opina, and Ernesto Olson Jr. (Baguio Sunstar Daily), Brenda Dacpano, Cyrene Reyes, Elina Velasco-Ramo, and this writer (Northern Dispatch).
The petition-on-intervention was signed by the Baguio journalists on Feb. 19 at the Laperal Building, Session Road of this city.
Lawyers of the Free Legal Assistance Group (FLAG) of the Baguio-Cordillera chapter serve as counsel for the Baguio journalist. (ARTHUR L. ALLAD-IW/ NORTHERN DISPATCH/ BULATLAT)

PORNOGRAPIYA AT POLITIKA

May afinidad ang pornograpiya at politika—pareho itong nagpapakita ng kalabisan, kadalasan isang paulit-ulit o tematikong akto (sex sa pornograpiya, skandalo sa politika) na nakasentro sa spektakularisasyon ng katawan ng mga aktor, at ang naturalisasyon ng kahindik-hindik na afekto sa manonood.
Ito ang bansang walang tiyak na tradisyon ng hard-core porn, puro soft-core porn. Mas malimit sa madalas, makikita lamang ang pribilihiyadong bahagi ng katawan (ang mga ari, at sa babae, pati ang suso) kung ito ay tinatakpan ng basing kamison o underwear, kaysa ibinubuyangyang, tulad ng mas familiar sa ating porn ng U.S.
Kaya sandamakmak na ang variasyon ng porn o bomba films na nagsimula sa panahon ng Marcoses. Bago ang martial law, kasabay ng kaganapan sa pandaigdigang sexual revolution (anti-patriyarka, kapantayan ng babae at lalake sa lipunan, gay liberation, anti-war, free love), naglipana ang bomba films. Ang “bomba” ay galing sa politikal na kultura, ang paghahayag ng expose sa pagnanasang mapahina o mapabagsak ang kalabang partido o politiko. Kung gayon, ang bomba films ay sexual na expose, ng mga katawang nagagawa ang bawal sa filmikong antas—kahit pa kontraryo sa moral na uniberso ng naratibo—na hindi dapat magagawa sa historikal na antas.
Ang subersyon pa sa bomba films ay ang pagpapalipana ng hayagang sexual na aktibidad—paghahalikan, seduksyon, pagnanasang sexual, pagtatalik, at ang mga pagpapakita ng mga dapat nakatagong bahagi ng pangangatawan. Ang bawal ay hindi nagiging bawal sa bomba films dahil sa huli rin naman, ang bawal ay ikinakahon at tinutupok ng moral na naratibo. Napaparusahan ang nakalalampas. At ang ganitong pagpapalipana sa moral na bawal ang isa sa naging batayan ni Marcos para ideklara ang martial law noong 1972.
Kasama ng moral degeneracy, ang bomba ay bahagi ng kriminalisasyon sa droga at komunismo na siyang nagbigay, sa imahinasyon ni Marcos, ng tabula rasa para akdain ang morally upright at modernong Bagong Lipunan. Nawala ang bomba, pumalit ay horror films para magbigay-representasyon sa anxiedad ng unang yugto ng diktadurya. Nang sumulpot ang bomba films, ito ay naging wet look dahil ang babaeng bomba star ay kinakailangang maligo at makipag-sex, kadalasan rape, sa tabing ilog na nakakamisong humahapit. Ito ay naging daring films dahil ang naging bida ay mga menor-de-edad na babae. Matapos, sa kasagsagan ng krisis ng diktadurya noong 1983, naging pene (penetration) films dahil sa exhibisyon nito sa Film Palace at third-run na sinehan ay nailulusot ang pagpapakita ng ari ng babae at lalake, maging ang aktwal na penetrasyon sa sex.
Naging sex-trip films ito sa panahon ni Aquino dahil parang trip-trip lang na ang aktres na galing sa maayos na paaralan ay magiging bida na nakikipag-sex sa tamang lugar at tamang panahon ng romantikong pagmamahal. Kay Ramos, ang bomba ay naging TF (titillating films) dahil pinahintulutan muli ang pagpapakita, lalo pa ang ari ng lalake kahit pa ang nagkaproblema sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ay ang Schindler’s List at Bridges of Madison County. Kay Estrada ay mas lalong naging liberal ang pagpapakita ng mga katawan at ari. Ito ang tinatawag kong PP (private parts) films, na mas matagal ang display sa screen ng ari ng babae at lalake.
Ang matagumpay na nangyari kay Arroyo ay paglahuin ang bomba film. Sa hindi direktang kamay, noong 2004, ang SM (ShoeMart) cinema complexes na may kontrol sa 60 porsyento ng bilang ng sinehan ay nagdeklara na hindi ito magpapalabas ng pelikulang R-18 o “for adults only” na klasifikasyon, kung saan bumabagsak ang maraming bomba films. Naglipana ang bomba sa teknolohiya ng cellphone na nagpakita ng ilang saglit o minuto ng pagkuha ng video ng mga sarili habang nakikipag-sex. Mananakaw, mawawala o ire-repair ang cellphone, mado-download ito ng iba at maikakalat pati sa media ng internet.
Bawat sikat na artista ay nagkakaroon ng cellphone sex scandal video. At maging ang mga syudad sa bansa ay biglang magkakaroon ng kakatwang sexual na urbanidad sa mga katutubong bersyon ng sex video—“Cagayan de Oro sex scandal,” “Dumaguete sex scandal,” at “Baguio sex scandal” na parang hindi na “City” ang lohikal na mga kasunod sa proper noun kundi itong ilehitimong karanasang nakuha sa cellphone camera. Pribatisado na ang sex scandal, nawala na ito sa terrain ng komersyal na publiko kahit pa mahal pa ring magpasa ng video sa cellphone.
Sa direktang pamamaraan, natanggal ang bomba film, kahit pa sa variasyon nito sa kasalukuyang digital independent films dahil sa interbensyon ng MTRCB ni Arroyo. Mahigpit ang arbitraryong pagpapatupad nito ng kalakarang sensura. Ang natira na lamang rito ay ang niche-market ng gay cinema na kalimitan ay nagsi-circulate sa film festival market at malaking bahagi nito, ang mga instructional video ukol sa masahe, macho at strip dancing, heterosexual at homosexual na romansa, sex in Philippine cinema, at iba pa.
Neoliberal ang naging paraan ng pagpapatupad ni Arroyo ng higit pang pagka-etsapwera ng bomba films. Halong bakal na kamay at pagpapadulas ng negosyo. Napilitang mag-resign ang MTRCB Chair na si Nicanor Tiongson dahil sa kontrobersiya ng Toro. Naitayo ang centerpiece mall at leisure complex ni Henry Sy, ang Mall of Asia, sa kapanahunan nito, kasama ng pag-aproba ng MRT-7 (mula SM-West hanggang SM-Fairview) na makakapagpabilis ng biyahe ng 850,000 mamamayan. Hindi ba ito rin raw ang bilang ng mallers sa SM Megamall kapag Sabado’t Linggo? At dahil may venue na pinaglalabasan na rin ng short films, si Arroyo lamang ang pamunuang nakapag-ban ng short films na kritikal sa kanyang presidensiya. Maging si Marcos ay hindi nagawa ito!
Bumagsak ang produksyon ng komersyal na pelikula sa administrasyon ni Arroyo—36 na pelikula kada taon mula sa kasagsagang produksyon ng 200. Sa sama-samang pag-unlad ng indie digi cinema, documentary film collectives, at ng independent producers na hiwalay sa major studios, tulad ng pamumukadkad ng “Second Golden Age of Philippine Cinema” sa pinakamaigting na yugto ng diktaduryang Marcos, muling namumukadkad ang pelikulang Filipino sa pinakamapanupil na kalakarang pampelikula at pampolitika sa administrasyon ni Arroyo.
Kung ang bomba film at politika ay ukol sa kalabisan, nagkakaroon muli ng tipping point ang mga ito kay Arroyo. Nawala nga ang bomba film, pero ang kolektibong natunghayan ng mamamayan ay ang serialisado at umiigting na skandalo sa administrasyon ni Arroyo. Kung kay Marcos ay harapan itong dine-deny, kay Arroyo ay nagtatago ito, hinahayaang iba ang lantarang sumagot. At ito ang pinakalabis sa skandalo—ang hindi pagtanaw sa pinanggagalingan at pinatutunguhan ng skandalo. Sa tagong pagmamaniobra ni Arroyo sa mga skandalo ng kanyang administrasyon, mas lalong nagiging kahindik-hindik ang pangangatawan ng kasalukuyang pangunahing bomba star, siya mismo. Tumataas ang anxiedad. Alam ng taong nanonood ng bomba kung ano ang dapat magiging laman ng kanilang pinapanood.
Kung dati ay ang prodyuser na si Mother Lily ang maghihirang ng bagong bomba star sa pamamagitan ng pagbibigay ng mitikong “magic kamison” sa kanyang pagpapalain mula sa reserbadong army ng batang aktres, at sa ngayon na ang tanging hibla ng bomba film ay ang gay film, ano ang natitirang lugar para sa pinakamalaking bomba star at prodyuser ng politika? Hahayaan na lamang ba siyang magpalabas ng hinarangang na pelikula at kasaysayan?
Ang isa sa pinakamatagumpay na horror film, ang Blair Witch Project, ay namayagpag dahil sa kabuuan ng pelikula ay hindi nito ipinakita ang horifikong object, kung sino ang isa-isang pumapatay sa grupo. Sa kaso ni Arroyo, ang kawalan ng figura ng bomba star—ang sentrong accountable na alam ng lahat pero paratihang nawawala sa kasagsagan ng skandalo—ay naghahayag ng mas katagumpayan ng kalabisan na siyang karakteristiko ng pornograpiya at politika. Wala pero labis na nandoon o ang labis ang siyang winawala. Sa kabilang banda, ito ang yugto sa panonood ng sine kung saan sumisigaw ang manonood ng “Harang!” (ROLAND TOLENTINO/ BULATLAT)


KALAYAAN, MEDYA AT SI JUN LOZADA

"Kung ang medya ay patuloy na nakakapanayam si Lozada, hindi ito nangangahulugang may tunay na demokrasya sa ating bansa. Kung si Lozada ngayon ay may kalayaan, ito ay dahil sa pagkilos ng mga taong simbahan at iba pang sektor ng lipunan para protektahan siya."
Patuloy ang pagkober ng midya sa mga pangyayaring may kinalaman sa kontrobersiyal na proyektong NBN (national broadband network). Si Rodolfo Noel “Jun” Lozada, Jr., ang tinaguriang star witness, ay parati ngayong naiinterbyu ng midya tungkol sa impormasyong hawak niya.

Kahit na sabihing karamihan sa kanyang mga datos ay mula lang sa kanyang natatandaan, interesado pa rin ang mga mamamahayag sa mga pahayag niya. Kung pagbabatayan ang mga kilos-protesta para sa pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang opisyal, lumalabas ding maraming taong naniniwala sa mga sinabi niya.
Wala man siyang mga dokumentong pinanghahawakan, lumalabas ang lohika ng kanyang mga sinasabi, lalo na’t ang mga nasa pamahalaang tulad ni Romulo Neri ay ayaw maglahad ng kanilang nalalaman at patuloy na iniiwasan ang subpoena o arrest warrant ng Senado.
Sa bahagi ni Lozada, malinaw na siya ay dinukot sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) para iwasan ang arrest warrant ng Senado at hindi siya makapagbigay ng testimoniya. Nasa kanya man ang kanyang cellphone at kahit na dinala siya sa gusto niyang puntahan (i.e., ang La Salle Greenhills), ilang oras din ang nagdaan bago ang aktuwal na paghahatid sa kanya. Ayon mismo sa mga taong na kumuha sa kanya sa airport, nagpaikot-ikot muna sila, nakipagharap (kahit dis-oras ng gabi) sa isang abogado at kung anu-ano ang pinapirma sa kanya.
Kahit na sabihing pinakawalan din siya, may mga oras na naging limitado ang kanyang kalayaan kahit wala naman siyang krimeng nagawa. Hindi naman puwedeng gawa-gawa lang ng asawa’t mga kamag-anak niya ang kanilang apila sa midya na tulungan sila dahil nawawala noong panahong iyon si Lozada. Ano naman ang mahihita nila sa hindi pagsasabi ng totoo? Sa bahagi naman ni Lozada, may mapapala kaya siya kung magsisinungaling siya’t babanggain niya ang mga nasa kapangyarihan?Alam ng mga taong mas maraming mawawala kay Lozada sa pagsisiwalat ng mga nalalaman niya. Nabibilang man siya sa nakaluluwag sa lipunan na kayang mamili ng daan-libong halaga ng pasalubong habang nasa Hong Kong (at tumira pa sa isang mamahaling hotel!), siya ay “mahirap” pa rin kumpara sa malalaking taong matinding naapektuhan ng kanyang testimoniya.
Ganito na talaga kayaman ang mga nasa kapangyarihan, at ito ang dahilan kung bakit may mga sumubok na “bilhin” ang katahimikan ni Jun Lozada. At nang hindi ito naging epektibo, sinubok at sinusubok siyang takutin para huwag nang magsalita. Para sa mga nasa kapangyarihan, kailangang siyang patahimikin sa kahit anong paraan.
Ang pagkakaroon ng kalayaan para isulat ang mga bagay na ito – at tuligsain ang mga nasa kapangyarihan – ay hindi natin utang sa pamahalaan, kundi produkto ng ating patuloy na pakikipaglaban. Bukod sa walang pakundangang pagpatay sa mga mamamahayag at mga aktibista, alam nating patuloy ang represyon sa porma ng mga polisiya tulad ng Human Security Act, Presidential Proclamation No. 1017 at Executive Order No. 464 na siyang legal na batayan para iwasan ng mga opisyal ng Malakanyang ang pagdinig sa Senado at Kamara de Representante.
Kung ang medya ay patuloy na nakakapanayam si Lozada, hindi ito nangangahulugang may tunay na demokrasya sa ating bansa. Kung si Lozada ngayon ay may kalayaan, ito ay dahil sa pagkilos ng mga taong simbahan at iba pang sektor ng lipunan para protektahan siya.
Dito sa Pilipinas, ang kalayaan sa pamamahayag at iba pang batayang kalayaan ay hindi dahil sa may pamahalaan tayong nagtataguyod ng mga ito. Ang anumang mga kalayaang mayroon tayo, kahit na sabihing limitado, ay bunga ng ating patuloy na pakikipaglaban. Nabubuhay tayo sa isang panahong sinusubukan ng pamahalaang supilin ang ating mga kalayaan.
Para sa mga katulad ni Lozada na maraming nalalaman tungkol sa katiwalian ng mga nasa kapangyarihan, tatlo lang ang pagpipilian – ang manahimik sa ngalan ng personal na pagsasaalang-alang; ang maging bahagi ng kultura ng korupsiyon; o basagin ang katahimikan sa ngalan ng katotohanan.
Buti na lang ang pinili ni Lozada ang huli. Sa pamamagitan ng kanyang testimoniya, mas malinaw na nakikita ngayon ang kultura ng korupsiyon na tila anay na sumisira sa haligi ng ating lipunan. Darating din ang panahong makikita ng nakararami ang kabulukan ng haligi at kikilos para baguhin ang buong istruktura. (KONTEKSTO NI DANILO ARAÑA ARAO/ INILATHALA NG BULATLAT)

REBYU: ANG UGAT NG REBOLUSYON

MULA sa mga ugat ng Rebolusyon hanggang sa paglagda ng Deklarasyon ng Kasarinlan, tagumpay sa Yorktown upang katawanin ang Saligang Batas ng Estados Unidos, binakbakan ng maskara ng "The Revolution" ang kritikal na paimbulog ng kasaysayan ng Amerika sa pamamagitan nang pagbaklas ng sinematikong pagsasabuhay, pagpapaalab ng biyograpikal na imbestigasyon, probokatibong politikal, militar at ekonomikong komentaryo, at ebokatibong orihinal na musika.
Karamihan sa mga serye ay ginawan ng mga pelikula sa mga lokasyon o lugar kung saan naganap ang kasaysayan, mula sa Puerto Ticonderoga sa Hilaga hanggang sa Charleston sa Timog.
Sa pamamagitan ng pagsasalarawan (re-enactments), ang pundasyon ng mga pangyayari at ang pinag-ugatan ng mga relasyon ng mga prinsipal na kasangkot kaparis nina Thomas Paine, John Adams, Thomas Jefferson, George Washington at Benjamin Franklin ay muling nabigyang buhay.
Tinitingnan din ng The Revolution ang kabuuang anggulo o layo ng mga indibidwal na siyang bumuo ng masalimuot na senaryo--mga di-kilalang bayani kabilang na rito ang mga espiya, alipin, mga malayang Aprikano, mga kaakibat na Indians, mga babaeng bukas ang isip at mga esentrikong personalidad--at nang sa gayon ay maipaliwanag kung paano naitulak ng mga pangkasaysayang ideya at tema ang mga taong ito upang maisagawa ang mapanghimagsik na pagkilos laban sa kaharian ng Britanya sapagka't naniniwala sila na ang kasarinlan ay mas magiging makabuluhan kung masusungkit ito sa pamamagitan nang pagpapakamatay.
Kalimita'y magulo, hitik sa sigalot, at sa pagkislap ng kabiguan, ang dalawang dekadang kasaysayan ng Amerika ay itinatak sa The Revolution ay nagpapakita kung paano pinanday ang isang nasyon sa pamamagitan ng mga ideya ng ugat ng kalayaan, at kung paanong hindi ito naging trabaho ng isang marupok na puso.

Monday, February 25, 2008

SA PANIG NG DEMOKRASYA

ANG anunsiyo kamakailan ni Chief Justice Reynato Puno sa Supreme Court ay panggising tungo sa isang multisectoral summit upang makapangalap ng lakas kung paano mapoprotektahan ng hudikatura ang mga kalayaang sibil at mailatag ito para sa extrajudicial killings sa pamamagitan ng pagtutulak ng mga panibagong alituntunin at gabay sa hangarin ding mabigyang seguridad ang mga testigo, mapalakas ng mga remedyo sa mga biktima gayundin ang kanilang mga pamilya, pagrebisa ng mga alintuntunin sa mga ebidensya at konsepto gaya ng command responsibility na siyang pinakahihintay na pagbabago.
Mailalagay ito sa masidhing pangyayari lalo pa't maaapektuhan dito ang ehekutibo at Sandatahang Lakas , at maaaring magdulot ng isang sigalot sa Kongreso sa isyu ng kapangyarihan ng lehislatura, ngunit, sa pangalawang pagkakataon, mailalagay ang sarili nito muli sa panig ng demokrasya.
Ang maganda rito, ang anunsiyong ito ay lumabas matapos ang desisyon nang pagbasura ng kasong rebelyon laban sa anim na left-leaning party-list representatives at apat pang indibidwal mula sa Bayan Muna (People First), Anakpawis (Toiling Masses) at Gabriela Women’s Party.
Kasabay ng pagdismis sa kasong ito, kinastigo ng Mataas na Hukuman ang Department of Justice dahil sa pagkakasampa ng naturang kaso na ang pinagbasehan ay katiting na ebidensya at paggamit din ng hukuman sa pagtapos ng pulitikal na usapin.
Magandang senyales ito, sapagka't kumikilos na ang Korte Suprema laban sa walang puknat na pagdurog at paggiba ng Administrasyong Arroyo sa mga karapatang sibil ng mga mamamayan.
Binali din nito ang “people’s initiative” na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution dahilan upang mailatag ang May 2007 elections; idineklara itong unconstitutional o labag sa Saligang Batas, ang mga arbitrary arrests at mga pagsalakay ng Macapagal-Arroyo administration sa pamamagitan ng maskarang “state of national emergency” sa ayudad ng Presidential Proclamation 1017; tinutulan din nito ang pagbabawal sa mga pagkilos na kasangkapan ang Calibrated Pre-emptive Response; at ang talukbong ng gag order na nagbabawal sa mga government officials na tumestigo sa mga Congressional hearings na pinoprotektahan ng Executive Order 464.
Katunayan, pinatitibay na ng Supreme Court sa ilalim ni Puno pagdedepensa sa mga karapatang sibil.
Una na ring sinabi ni Chief Justice Puno na nais na rin niyang ayusin o himayin ang mga “kulubot na erya” sa desisyon hinggil sa Executive 464, na mukhang pinaiiral naman ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon bilang tugon sa plano ni Senator Antonio Trillanes nang magkaroon ng pagdinig sa partisipasyon ng AFP officials sa lumulubhang extrajudicial killings at gayundin sa “Hello Garci” tapes.
Habang ang SC, noong si dating chief justice Artemio Panganiban pa ang namumuno, pinagtibauy nito ang karapatan ng mga mamamayan na malaman ang mga pangyayari sa gobyerno, kinilala nito ang prerogatibo ng punong ehekutibo na pagbawalan ang mga opisyal na magpartisipa sa mga imbestigasyon sa Kongreso at humiling ito ng isang closed-door session kung “ang seguridad ng estado o interes ng publiko ang nakasalalay.”
Kung wala ang Supreme Court, nakonsolida na ni Pres. Macapagal-Arroyo ang pasistang alintuntunin laban sa mamamayang Pinoy. Kung wala ang SC, mapipilitan ang mga Pinoy na mag-aklas sa tila batas militar na umiiral.
Sa harap ng pagpupunyaging ito ni CJ Puno, maaaring mabuhay muli ang kalupitan ni Arroyo.
Ngunit kung bubuhayin ang napilayang depensa laban sa mapang-aping pamumuno ni GMA, hindi na ito mauulit.
Maaari nitong buksan ang pintuan upang maging responsibo at madaling lapitan ng mga biktima ng extrajudicial killings at enforced disappearances.
Mabibigyang linaw muli ang lamat na nagsisilbing balakid upang maprotektahan ang karapatan ng mga mamamayang Pinoy.

LAMBDAN, HAO SHIAO NA AGENCY?

PARANG hao shiao na ahensya raw ang Lambdan Agency dahil wala itong payslip. Hindi rin daw nalalaman ng mga sekyu kung saan napupunta ang mga deductions nila at wala ring 13th month pay. Laging sinasabi raw na kasama na ito sa sahod? Anak ng pusang may sampung kuting, walang malasakit sa mga tauhan!

MASADA, MASYADONG ABUSADO!

UMAABUSO na raw ng Masada Agency dahil hanggang ngayon ay ‘di pa rin tinataasan ang sahod ng kanilang sekyu. Ilan sa mga kawawang guwardiya na nasa ilalim ng Masada ay naka-assign sa Mak-ban Napocor. Hoy, mahabag naman kayo sa mga sekyu n’yo!

JERIKCO, MASAHOL PA KAY HUDAS!

MUKHANG tama ang hiyaw ng isang sekyu ng Jerikco Security Agency na masahol pa raw ito kay Hudas dahil parang hinuhudas nito ang mga pobreng tauhan. Over exploited daw kasi ang mga guwardiya at underpaid. Mantakin n’yo raw, P150 ang sahod ng mga sekyu/ 12 hours duty. Legitimate naman daw papers at may license pa ang tinamaan ng kulog! Aba, legal na kompanya pero illegal ang ginagawa! Buwiseeet!

BAVSPIA INC, PARANG PAGONG?

PARANG pagong daw kumilos ang BAVSPIA INC (security agency). Matagal nang nag-resign ang isang sekyu (6 months) pero hindi pa rin nakukuha ng mama ang kanyang cash bond. Sa mga namamahala ng Bavspia Inc, mahiya naman kayo sa balat n’yo!

MAGLIBA AGENCY, WALANG AWA!

DUMARAING ang mga sekyu ni Dr. Celso Magliba ng Magliba Security dahil iniipit daw ng mama ang kanilang sahod. Sa Pangasinan, isang buwan bago binibigay ang sahod ng mga pobreng guwardiya. Aba, inaabot daw ng 15 days...at 3 gives pa! Susme, ano ‘yan, five-six ni Manong Bumbay? Pwe!

ANAMI SECURITY, GANID DIN?

NAG-TEXT ang ilang sekyu sa ilaim ng Anami Security Agency dahil winawalanghiya na raw sila ng may-ari nitong si Mrs. Amigo. Walang benepisyong sumasayad sa palad ng mga guwardiya. Ang matindi pa nga rito, wala sa minimum ang sahod at laging delayed? Aba, sa pagkakaalam ng SNIPER X-TREME, monthly period lang ng babae ang nade-delay?

NEPTUNE AGENCY, BUWAYA!

BUWAYA raw sa ‘di lang buwaya ang Neptune Security Agency na naka-base sa Iloilo City. Pinaiiral daw kasi ng mga opisyal dito ang sistemang palakasan. Puro kamag-anak lang daw ang ipinapasok. Ang masaklap pa, walang OT pay, 12 hours ang duty, at wala sa minimum wage! Ano ba ‘yan!