Thursday, February 28, 2008

SISTEMATIKONG PANUNUPIL! PWE!

LAHAT na yata ng kalokohan at kawalanghiyaan ay parang inilalabas na ng administrasyong Arroyo upang maibagsak si Engr. Rodolfo “Jun” Lozada, star witness sa ginaganap na mga pagsisiyasat ng Senado sa kontrobersiyal na National Broadband Network project. Noong una, pinalipad siya patungong Hong Kong, ilang araw bago ang nakatakdang pagharap niya sa Senado, at pagkaraan ay dinukot siya nang siya’y makabalik ng Pilipinas. Sa mga pagdinig sa Senado, ilang beses na tinangka ng ilang maka-administrasyong mambabatas na wasakin ang kanyang kredibilidad, ngunit hindi sila nagtagumpay. Ang sumunod ay ang ginawang pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang dating opisina, ang Philippine Forestry Corporation – na walang ibang layunin kundi ang takutin siya kalaunan, gayundin upang magsilbing babala sa mga saksi sa hinaharap. (FLON FAURILLO/ BULATLAT)

2 comments:

ISNAYP said...

mapanupil talaga ang pamahalaang arroyo, hindi na siya dapat magtagal sa puwesto. makapal ang kanyang mukha. bakit ayaw niyang mag-resign ngayong ayaw na sa kanya ng mga tao?

ISNAYP said...

mr. sniper, idol talaga kita. bakit po hindi ko na nababasa sa toro ang kolum mo? paborito pa naman namin ang kolum nyo dito sa bicol.maraming salamat, sana dumami pa ang lahi ninyo! god bless!!!!