Thursday, February 28, 2008

SISTEMATIKONG PANUNUPIL! PWE!

LAHAT na yata ng kalokohan at kawalanghiyaan ay parang inilalabas na ng administrasyong Arroyo upang maibagsak si Engr. Rodolfo “Jun” Lozada, star witness sa ginaganap na mga pagsisiyasat ng Senado sa kontrobersiyal na National Broadband Network project. Noong una, pinalipad siya patungong Hong Kong, ilang araw bago ang nakatakdang pagharap niya sa Senado, at pagkaraan ay dinukot siya nang siya’y makabalik ng Pilipinas. Sa mga pagdinig sa Senado, ilang beses na tinangka ng ilang maka-administrasyong mambabatas na wasakin ang kanyang kredibilidad, ngunit hindi sila nagtagumpay. Ang sumunod ay ang ginawang pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang dating opisina, ang Philippine Forestry Corporation – na walang ibang layunin kundi ang takutin siya kalaunan, gayundin upang magsilbing babala sa mga saksi sa hinaharap. (FLON FAURILLO/ BULATLAT)

BAGUIO MEDIA JOIN MANILA COLLEAGUES’ SC CASE VS. PRESS FREEDOM THREATS

BAGUIO CITY (246 kms north of Manila) – Media practitioners in this summer capital city have signed a petition to intervene in a press freedom case filed by Manila-based media practitioners before the Supreme Court. The original petitioners in the case seek the aid of the Supreme Court in stopping top government agencies from continuously threatening press freedom.
The 16 journalists alleged in their petition-in-intervention for prohibition and injunction that they feel with equal effects the threats, intimidation, fear and apprehension as a result of government agencies move which they claimed serves as threat to press freedom and on their job to bring information to the public.
The Baguio-based journalists identified the following government agencies as respondents: Office of the Executive Secretary, Department of Justice (DoJ), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) including its Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), which continuously issue threats, warnings, advisories that are “couched in a general language that affect journalists and media practitioners – not only in Manila – but in the whole country.”
“The acts, threats, warnings, advisories, intimidation of the respondents produce the same, if not greater fear and chilling effect upon provincial press,” said the intervenors, whose intervention was pursuant to Rule 19, Section 2 of the Rules of Court.
“If the said act of respondents could be committed against major and leading national media outlets and companies and leading journalists based in the Metro Manila area, it would be much easier for respondents and those under their command, to stifle press freedom in the provinces and inculcate fear upon members of the provincial press and small provincial media outfits,” added the intervenors, who are from seven local and national media outfits.

Press freedom fight
The Baguio journalists claimed that their intervention is in-fact a fight against the government’s effort to stifle press freedom.
While hundreds of kilometers away from Manila, the journalists stressed that they feel the threats to media after the Manila Peninsula Hotel incident on Nov. 29, 2007. They defended their media colleagues in Manila, saying the latter had done nothing wrong in covering the incident.
“We would have done the same had we been there, or the same kind of incident happen in Baguio or the Cordilleras, as we feel it would have been part of our duty and function to gather the news and to report the same to the public who has the right to be informed,” the Baguio journalists said.
In supporting the petition, the said journalists claimed that the experiences of journalists in the Manila Peninsula Hotel who were manhandled by the government forces can happen to them hence they decided for the intervention.
“In fact, most of the media killed during the time of GMA were from the provinces,” said Frank Cimatu, one of the intervenors. “The threat and actuations by the respondents have widespread chilling effects on members of the provincial media. We want this threat to stop.”
The intervenors claimed in their petition that they do not aim to unduly delay or prejudice the adjudication of the rights of the original parties, but provide the court a more accurate view of the extent and effect of the acts of the respondents complained of and how it affects Philippine media, including those in the provinces who are more vulnerable on the said effects.

Land mark twin cases vs. media repression
It can be recalled that Manila-based journalists after the Manila Pen incident filed on Jan. 28 two cases against government agencies for the continuing media repression. One case filed at the Supreme Court seeks for Prohibition, Injunction with Temporary Restraining Order (TRO) while another class suit against government agencies was filed at the Regional Trial Court (RTC) of Makati which prays for damages and TRO.
The Baguio journalists who signed as petitioners-in-intervenors are Pablito Sanidad (Midland Courier), Renato Samuel Bautista (Baguio Sunstar Daily), Desiree Caluza and Frank Cimatu (Philippine Daily Inquirer), Artemio Dumlao and Fernando Zapata (Philippine Star), Dhobie De Guzman (ABS-CBN Northern Luzon), Thomas Picana (Manila Times), Martina Sales, Rimaliza Opina, and Ernesto Olson Jr. (Baguio Sunstar Daily), Brenda Dacpano, Cyrene Reyes, Elina Velasco-Ramo, and this writer (Northern Dispatch).
The petition-on-intervention was signed by the Baguio journalists on Feb. 19 at the Laperal Building, Session Road of this city.
Lawyers of the Free Legal Assistance Group (FLAG) of the Baguio-Cordillera chapter serve as counsel for the Baguio journalist. (ARTHUR L. ALLAD-IW/ NORTHERN DISPATCH/ BULATLAT)

PORNOGRAPIYA AT POLITIKA

May afinidad ang pornograpiya at politika—pareho itong nagpapakita ng kalabisan, kadalasan isang paulit-ulit o tematikong akto (sex sa pornograpiya, skandalo sa politika) na nakasentro sa spektakularisasyon ng katawan ng mga aktor, at ang naturalisasyon ng kahindik-hindik na afekto sa manonood.
Ito ang bansang walang tiyak na tradisyon ng hard-core porn, puro soft-core porn. Mas malimit sa madalas, makikita lamang ang pribilihiyadong bahagi ng katawan (ang mga ari, at sa babae, pati ang suso) kung ito ay tinatakpan ng basing kamison o underwear, kaysa ibinubuyangyang, tulad ng mas familiar sa ating porn ng U.S.
Kaya sandamakmak na ang variasyon ng porn o bomba films na nagsimula sa panahon ng Marcoses. Bago ang martial law, kasabay ng kaganapan sa pandaigdigang sexual revolution (anti-patriyarka, kapantayan ng babae at lalake sa lipunan, gay liberation, anti-war, free love), naglipana ang bomba films. Ang “bomba” ay galing sa politikal na kultura, ang paghahayag ng expose sa pagnanasang mapahina o mapabagsak ang kalabang partido o politiko. Kung gayon, ang bomba films ay sexual na expose, ng mga katawang nagagawa ang bawal sa filmikong antas—kahit pa kontraryo sa moral na uniberso ng naratibo—na hindi dapat magagawa sa historikal na antas.
Ang subersyon pa sa bomba films ay ang pagpapalipana ng hayagang sexual na aktibidad—paghahalikan, seduksyon, pagnanasang sexual, pagtatalik, at ang mga pagpapakita ng mga dapat nakatagong bahagi ng pangangatawan. Ang bawal ay hindi nagiging bawal sa bomba films dahil sa huli rin naman, ang bawal ay ikinakahon at tinutupok ng moral na naratibo. Napaparusahan ang nakalalampas. At ang ganitong pagpapalipana sa moral na bawal ang isa sa naging batayan ni Marcos para ideklara ang martial law noong 1972.
Kasama ng moral degeneracy, ang bomba ay bahagi ng kriminalisasyon sa droga at komunismo na siyang nagbigay, sa imahinasyon ni Marcos, ng tabula rasa para akdain ang morally upright at modernong Bagong Lipunan. Nawala ang bomba, pumalit ay horror films para magbigay-representasyon sa anxiedad ng unang yugto ng diktadurya. Nang sumulpot ang bomba films, ito ay naging wet look dahil ang babaeng bomba star ay kinakailangang maligo at makipag-sex, kadalasan rape, sa tabing ilog na nakakamisong humahapit. Ito ay naging daring films dahil ang naging bida ay mga menor-de-edad na babae. Matapos, sa kasagsagan ng krisis ng diktadurya noong 1983, naging pene (penetration) films dahil sa exhibisyon nito sa Film Palace at third-run na sinehan ay nailulusot ang pagpapakita ng ari ng babae at lalake, maging ang aktwal na penetrasyon sa sex.
Naging sex-trip films ito sa panahon ni Aquino dahil parang trip-trip lang na ang aktres na galing sa maayos na paaralan ay magiging bida na nakikipag-sex sa tamang lugar at tamang panahon ng romantikong pagmamahal. Kay Ramos, ang bomba ay naging TF (titillating films) dahil pinahintulutan muli ang pagpapakita, lalo pa ang ari ng lalake kahit pa ang nagkaproblema sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ay ang Schindler’s List at Bridges of Madison County. Kay Estrada ay mas lalong naging liberal ang pagpapakita ng mga katawan at ari. Ito ang tinatawag kong PP (private parts) films, na mas matagal ang display sa screen ng ari ng babae at lalake.
Ang matagumpay na nangyari kay Arroyo ay paglahuin ang bomba film. Sa hindi direktang kamay, noong 2004, ang SM (ShoeMart) cinema complexes na may kontrol sa 60 porsyento ng bilang ng sinehan ay nagdeklara na hindi ito magpapalabas ng pelikulang R-18 o “for adults only” na klasifikasyon, kung saan bumabagsak ang maraming bomba films. Naglipana ang bomba sa teknolohiya ng cellphone na nagpakita ng ilang saglit o minuto ng pagkuha ng video ng mga sarili habang nakikipag-sex. Mananakaw, mawawala o ire-repair ang cellphone, mado-download ito ng iba at maikakalat pati sa media ng internet.
Bawat sikat na artista ay nagkakaroon ng cellphone sex scandal video. At maging ang mga syudad sa bansa ay biglang magkakaroon ng kakatwang sexual na urbanidad sa mga katutubong bersyon ng sex video—“Cagayan de Oro sex scandal,” “Dumaguete sex scandal,” at “Baguio sex scandal” na parang hindi na “City” ang lohikal na mga kasunod sa proper noun kundi itong ilehitimong karanasang nakuha sa cellphone camera. Pribatisado na ang sex scandal, nawala na ito sa terrain ng komersyal na publiko kahit pa mahal pa ring magpasa ng video sa cellphone.
Sa direktang pamamaraan, natanggal ang bomba film, kahit pa sa variasyon nito sa kasalukuyang digital independent films dahil sa interbensyon ng MTRCB ni Arroyo. Mahigpit ang arbitraryong pagpapatupad nito ng kalakarang sensura. Ang natira na lamang rito ay ang niche-market ng gay cinema na kalimitan ay nagsi-circulate sa film festival market at malaking bahagi nito, ang mga instructional video ukol sa masahe, macho at strip dancing, heterosexual at homosexual na romansa, sex in Philippine cinema, at iba pa.
Neoliberal ang naging paraan ng pagpapatupad ni Arroyo ng higit pang pagka-etsapwera ng bomba films. Halong bakal na kamay at pagpapadulas ng negosyo. Napilitang mag-resign ang MTRCB Chair na si Nicanor Tiongson dahil sa kontrobersiya ng Toro. Naitayo ang centerpiece mall at leisure complex ni Henry Sy, ang Mall of Asia, sa kapanahunan nito, kasama ng pag-aproba ng MRT-7 (mula SM-West hanggang SM-Fairview) na makakapagpabilis ng biyahe ng 850,000 mamamayan. Hindi ba ito rin raw ang bilang ng mallers sa SM Megamall kapag Sabado’t Linggo? At dahil may venue na pinaglalabasan na rin ng short films, si Arroyo lamang ang pamunuang nakapag-ban ng short films na kritikal sa kanyang presidensiya. Maging si Marcos ay hindi nagawa ito!
Bumagsak ang produksyon ng komersyal na pelikula sa administrasyon ni Arroyo—36 na pelikula kada taon mula sa kasagsagang produksyon ng 200. Sa sama-samang pag-unlad ng indie digi cinema, documentary film collectives, at ng independent producers na hiwalay sa major studios, tulad ng pamumukadkad ng “Second Golden Age of Philippine Cinema” sa pinakamaigting na yugto ng diktaduryang Marcos, muling namumukadkad ang pelikulang Filipino sa pinakamapanupil na kalakarang pampelikula at pampolitika sa administrasyon ni Arroyo.
Kung ang bomba film at politika ay ukol sa kalabisan, nagkakaroon muli ng tipping point ang mga ito kay Arroyo. Nawala nga ang bomba film, pero ang kolektibong natunghayan ng mamamayan ay ang serialisado at umiigting na skandalo sa administrasyon ni Arroyo. Kung kay Marcos ay harapan itong dine-deny, kay Arroyo ay nagtatago ito, hinahayaang iba ang lantarang sumagot. At ito ang pinakalabis sa skandalo—ang hindi pagtanaw sa pinanggagalingan at pinatutunguhan ng skandalo. Sa tagong pagmamaniobra ni Arroyo sa mga skandalo ng kanyang administrasyon, mas lalong nagiging kahindik-hindik ang pangangatawan ng kasalukuyang pangunahing bomba star, siya mismo. Tumataas ang anxiedad. Alam ng taong nanonood ng bomba kung ano ang dapat magiging laman ng kanilang pinapanood.
Kung dati ay ang prodyuser na si Mother Lily ang maghihirang ng bagong bomba star sa pamamagitan ng pagbibigay ng mitikong “magic kamison” sa kanyang pagpapalain mula sa reserbadong army ng batang aktres, at sa ngayon na ang tanging hibla ng bomba film ay ang gay film, ano ang natitirang lugar para sa pinakamalaking bomba star at prodyuser ng politika? Hahayaan na lamang ba siyang magpalabas ng hinarangang na pelikula at kasaysayan?
Ang isa sa pinakamatagumpay na horror film, ang Blair Witch Project, ay namayagpag dahil sa kabuuan ng pelikula ay hindi nito ipinakita ang horifikong object, kung sino ang isa-isang pumapatay sa grupo. Sa kaso ni Arroyo, ang kawalan ng figura ng bomba star—ang sentrong accountable na alam ng lahat pero paratihang nawawala sa kasagsagan ng skandalo—ay naghahayag ng mas katagumpayan ng kalabisan na siyang karakteristiko ng pornograpiya at politika. Wala pero labis na nandoon o ang labis ang siyang winawala. Sa kabilang banda, ito ang yugto sa panonood ng sine kung saan sumisigaw ang manonood ng “Harang!” (ROLAND TOLENTINO/ BULATLAT)


KALAYAAN, MEDYA AT SI JUN LOZADA

"Kung ang medya ay patuloy na nakakapanayam si Lozada, hindi ito nangangahulugang may tunay na demokrasya sa ating bansa. Kung si Lozada ngayon ay may kalayaan, ito ay dahil sa pagkilos ng mga taong simbahan at iba pang sektor ng lipunan para protektahan siya."
Patuloy ang pagkober ng midya sa mga pangyayaring may kinalaman sa kontrobersiyal na proyektong NBN (national broadband network). Si Rodolfo Noel “Jun” Lozada, Jr., ang tinaguriang star witness, ay parati ngayong naiinterbyu ng midya tungkol sa impormasyong hawak niya.

Kahit na sabihing karamihan sa kanyang mga datos ay mula lang sa kanyang natatandaan, interesado pa rin ang mga mamamahayag sa mga pahayag niya. Kung pagbabatayan ang mga kilos-protesta para sa pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang opisyal, lumalabas ding maraming taong naniniwala sa mga sinabi niya.
Wala man siyang mga dokumentong pinanghahawakan, lumalabas ang lohika ng kanyang mga sinasabi, lalo na’t ang mga nasa pamahalaang tulad ni Romulo Neri ay ayaw maglahad ng kanilang nalalaman at patuloy na iniiwasan ang subpoena o arrest warrant ng Senado.
Sa bahagi ni Lozada, malinaw na siya ay dinukot sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) para iwasan ang arrest warrant ng Senado at hindi siya makapagbigay ng testimoniya. Nasa kanya man ang kanyang cellphone at kahit na dinala siya sa gusto niyang puntahan (i.e., ang La Salle Greenhills), ilang oras din ang nagdaan bago ang aktuwal na paghahatid sa kanya. Ayon mismo sa mga taong na kumuha sa kanya sa airport, nagpaikot-ikot muna sila, nakipagharap (kahit dis-oras ng gabi) sa isang abogado at kung anu-ano ang pinapirma sa kanya.
Kahit na sabihing pinakawalan din siya, may mga oras na naging limitado ang kanyang kalayaan kahit wala naman siyang krimeng nagawa. Hindi naman puwedeng gawa-gawa lang ng asawa’t mga kamag-anak niya ang kanilang apila sa midya na tulungan sila dahil nawawala noong panahong iyon si Lozada. Ano naman ang mahihita nila sa hindi pagsasabi ng totoo? Sa bahagi naman ni Lozada, may mapapala kaya siya kung magsisinungaling siya’t babanggain niya ang mga nasa kapangyarihan?Alam ng mga taong mas maraming mawawala kay Lozada sa pagsisiwalat ng mga nalalaman niya. Nabibilang man siya sa nakaluluwag sa lipunan na kayang mamili ng daan-libong halaga ng pasalubong habang nasa Hong Kong (at tumira pa sa isang mamahaling hotel!), siya ay “mahirap” pa rin kumpara sa malalaking taong matinding naapektuhan ng kanyang testimoniya.
Ganito na talaga kayaman ang mga nasa kapangyarihan, at ito ang dahilan kung bakit may mga sumubok na “bilhin” ang katahimikan ni Jun Lozada. At nang hindi ito naging epektibo, sinubok at sinusubok siyang takutin para huwag nang magsalita. Para sa mga nasa kapangyarihan, kailangang siyang patahimikin sa kahit anong paraan.
Ang pagkakaroon ng kalayaan para isulat ang mga bagay na ito – at tuligsain ang mga nasa kapangyarihan – ay hindi natin utang sa pamahalaan, kundi produkto ng ating patuloy na pakikipaglaban. Bukod sa walang pakundangang pagpatay sa mga mamamahayag at mga aktibista, alam nating patuloy ang represyon sa porma ng mga polisiya tulad ng Human Security Act, Presidential Proclamation No. 1017 at Executive Order No. 464 na siyang legal na batayan para iwasan ng mga opisyal ng Malakanyang ang pagdinig sa Senado at Kamara de Representante.
Kung ang medya ay patuloy na nakakapanayam si Lozada, hindi ito nangangahulugang may tunay na demokrasya sa ating bansa. Kung si Lozada ngayon ay may kalayaan, ito ay dahil sa pagkilos ng mga taong simbahan at iba pang sektor ng lipunan para protektahan siya.
Dito sa Pilipinas, ang kalayaan sa pamamahayag at iba pang batayang kalayaan ay hindi dahil sa may pamahalaan tayong nagtataguyod ng mga ito. Ang anumang mga kalayaang mayroon tayo, kahit na sabihing limitado, ay bunga ng ating patuloy na pakikipaglaban. Nabubuhay tayo sa isang panahong sinusubukan ng pamahalaang supilin ang ating mga kalayaan.
Para sa mga katulad ni Lozada na maraming nalalaman tungkol sa katiwalian ng mga nasa kapangyarihan, tatlo lang ang pagpipilian – ang manahimik sa ngalan ng personal na pagsasaalang-alang; ang maging bahagi ng kultura ng korupsiyon; o basagin ang katahimikan sa ngalan ng katotohanan.
Buti na lang ang pinili ni Lozada ang huli. Sa pamamagitan ng kanyang testimoniya, mas malinaw na nakikita ngayon ang kultura ng korupsiyon na tila anay na sumisira sa haligi ng ating lipunan. Darating din ang panahong makikita ng nakararami ang kabulukan ng haligi at kikilos para baguhin ang buong istruktura. (KONTEKSTO NI DANILO ARAÑA ARAO/ INILATHALA NG BULATLAT)

REBYU: ANG UGAT NG REBOLUSYON

MULA sa mga ugat ng Rebolusyon hanggang sa paglagda ng Deklarasyon ng Kasarinlan, tagumpay sa Yorktown upang katawanin ang Saligang Batas ng Estados Unidos, binakbakan ng maskara ng "The Revolution" ang kritikal na paimbulog ng kasaysayan ng Amerika sa pamamagitan nang pagbaklas ng sinematikong pagsasabuhay, pagpapaalab ng biyograpikal na imbestigasyon, probokatibong politikal, militar at ekonomikong komentaryo, at ebokatibong orihinal na musika.
Karamihan sa mga serye ay ginawan ng mga pelikula sa mga lokasyon o lugar kung saan naganap ang kasaysayan, mula sa Puerto Ticonderoga sa Hilaga hanggang sa Charleston sa Timog.
Sa pamamagitan ng pagsasalarawan (re-enactments), ang pundasyon ng mga pangyayari at ang pinag-ugatan ng mga relasyon ng mga prinsipal na kasangkot kaparis nina Thomas Paine, John Adams, Thomas Jefferson, George Washington at Benjamin Franklin ay muling nabigyang buhay.
Tinitingnan din ng The Revolution ang kabuuang anggulo o layo ng mga indibidwal na siyang bumuo ng masalimuot na senaryo--mga di-kilalang bayani kabilang na rito ang mga espiya, alipin, mga malayang Aprikano, mga kaakibat na Indians, mga babaeng bukas ang isip at mga esentrikong personalidad--at nang sa gayon ay maipaliwanag kung paano naitulak ng mga pangkasaysayang ideya at tema ang mga taong ito upang maisagawa ang mapanghimagsik na pagkilos laban sa kaharian ng Britanya sapagka't naniniwala sila na ang kasarinlan ay mas magiging makabuluhan kung masusungkit ito sa pamamagitan nang pagpapakamatay.
Kalimita'y magulo, hitik sa sigalot, at sa pagkislap ng kabiguan, ang dalawang dekadang kasaysayan ng Amerika ay itinatak sa The Revolution ay nagpapakita kung paano pinanday ang isang nasyon sa pamamagitan ng mga ideya ng ugat ng kalayaan, at kung paanong hindi ito naging trabaho ng isang marupok na puso.

Monday, February 25, 2008

SA PANIG NG DEMOKRASYA

ANG anunsiyo kamakailan ni Chief Justice Reynato Puno sa Supreme Court ay panggising tungo sa isang multisectoral summit upang makapangalap ng lakas kung paano mapoprotektahan ng hudikatura ang mga kalayaang sibil at mailatag ito para sa extrajudicial killings sa pamamagitan ng pagtutulak ng mga panibagong alituntunin at gabay sa hangarin ding mabigyang seguridad ang mga testigo, mapalakas ng mga remedyo sa mga biktima gayundin ang kanilang mga pamilya, pagrebisa ng mga alintuntunin sa mga ebidensya at konsepto gaya ng command responsibility na siyang pinakahihintay na pagbabago.
Mailalagay ito sa masidhing pangyayari lalo pa't maaapektuhan dito ang ehekutibo at Sandatahang Lakas , at maaaring magdulot ng isang sigalot sa Kongreso sa isyu ng kapangyarihan ng lehislatura, ngunit, sa pangalawang pagkakataon, mailalagay ang sarili nito muli sa panig ng demokrasya.
Ang maganda rito, ang anunsiyong ito ay lumabas matapos ang desisyon nang pagbasura ng kasong rebelyon laban sa anim na left-leaning party-list representatives at apat pang indibidwal mula sa Bayan Muna (People First), Anakpawis (Toiling Masses) at Gabriela Women’s Party.
Kasabay ng pagdismis sa kasong ito, kinastigo ng Mataas na Hukuman ang Department of Justice dahil sa pagkakasampa ng naturang kaso na ang pinagbasehan ay katiting na ebidensya at paggamit din ng hukuman sa pagtapos ng pulitikal na usapin.
Magandang senyales ito, sapagka't kumikilos na ang Korte Suprema laban sa walang puknat na pagdurog at paggiba ng Administrasyong Arroyo sa mga karapatang sibil ng mga mamamayan.
Binali din nito ang “people’s initiative” na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution dahilan upang mailatag ang May 2007 elections; idineklara itong unconstitutional o labag sa Saligang Batas, ang mga arbitrary arrests at mga pagsalakay ng Macapagal-Arroyo administration sa pamamagitan ng maskarang “state of national emergency” sa ayudad ng Presidential Proclamation 1017; tinutulan din nito ang pagbabawal sa mga pagkilos na kasangkapan ang Calibrated Pre-emptive Response; at ang talukbong ng gag order na nagbabawal sa mga government officials na tumestigo sa mga Congressional hearings na pinoprotektahan ng Executive Order 464.
Katunayan, pinatitibay na ng Supreme Court sa ilalim ni Puno pagdedepensa sa mga karapatang sibil.
Una na ring sinabi ni Chief Justice Puno na nais na rin niyang ayusin o himayin ang mga “kulubot na erya” sa desisyon hinggil sa Executive 464, na mukhang pinaiiral naman ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon bilang tugon sa plano ni Senator Antonio Trillanes nang magkaroon ng pagdinig sa partisipasyon ng AFP officials sa lumulubhang extrajudicial killings at gayundin sa “Hello Garci” tapes.
Habang ang SC, noong si dating chief justice Artemio Panganiban pa ang namumuno, pinagtibauy nito ang karapatan ng mga mamamayan na malaman ang mga pangyayari sa gobyerno, kinilala nito ang prerogatibo ng punong ehekutibo na pagbawalan ang mga opisyal na magpartisipa sa mga imbestigasyon sa Kongreso at humiling ito ng isang closed-door session kung “ang seguridad ng estado o interes ng publiko ang nakasalalay.”
Kung wala ang Supreme Court, nakonsolida na ni Pres. Macapagal-Arroyo ang pasistang alintuntunin laban sa mamamayang Pinoy. Kung wala ang SC, mapipilitan ang mga Pinoy na mag-aklas sa tila batas militar na umiiral.
Sa harap ng pagpupunyaging ito ni CJ Puno, maaaring mabuhay muli ang kalupitan ni Arroyo.
Ngunit kung bubuhayin ang napilayang depensa laban sa mapang-aping pamumuno ni GMA, hindi na ito mauulit.
Maaari nitong buksan ang pintuan upang maging responsibo at madaling lapitan ng mga biktima ng extrajudicial killings at enforced disappearances.
Mabibigyang linaw muli ang lamat na nagsisilbing balakid upang maprotektahan ang karapatan ng mga mamamayang Pinoy.

LAMBDAN, HAO SHIAO NA AGENCY?

PARANG hao shiao na ahensya raw ang Lambdan Agency dahil wala itong payslip. Hindi rin daw nalalaman ng mga sekyu kung saan napupunta ang mga deductions nila at wala ring 13th month pay. Laging sinasabi raw na kasama na ito sa sahod? Anak ng pusang may sampung kuting, walang malasakit sa mga tauhan!

MASADA, MASYADONG ABUSADO!

UMAABUSO na raw ng Masada Agency dahil hanggang ngayon ay ‘di pa rin tinataasan ang sahod ng kanilang sekyu. Ilan sa mga kawawang guwardiya na nasa ilalim ng Masada ay naka-assign sa Mak-ban Napocor. Hoy, mahabag naman kayo sa mga sekyu n’yo!

JERIKCO, MASAHOL PA KAY HUDAS!

MUKHANG tama ang hiyaw ng isang sekyu ng Jerikco Security Agency na masahol pa raw ito kay Hudas dahil parang hinuhudas nito ang mga pobreng tauhan. Over exploited daw kasi ang mga guwardiya at underpaid. Mantakin n’yo raw, P150 ang sahod ng mga sekyu/ 12 hours duty. Legitimate naman daw papers at may license pa ang tinamaan ng kulog! Aba, legal na kompanya pero illegal ang ginagawa! Buwiseeet!

BAVSPIA INC, PARANG PAGONG?

PARANG pagong daw kumilos ang BAVSPIA INC (security agency). Matagal nang nag-resign ang isang sekyu (6 months) pero hindi pa rin nakukuha ng mama ang kanyang cash bond. Sa mga namamahala ng Bavspia Inc, mahiya naman kayo sa balat n’yo!

MAGLIBA AGENCY, WALANG AWA!

DUMARAING ang mga sekyu ni Dr. Celso Magliba ng Magliba Security dahil iniipit daw ng mama ang kanilang sahod. Sa Pangasinan, isang buwan bago binibigay ang sahod ng mga pobreng guwardiya. Aba, inaabot daw ng 15 days...at 3 gives pa! Susme, ano ‘yan, five-six ni Manong Bumbay? Pwe!

ANAMI SECURITY, GANID DIN?

NAG-TEXT ang ilang sekyu sa ilaim ng Anami Security Agency dahil winawalanghiya na raw sila ng may-ari nitong si Mrs. Amigo. Walang benepisyong sumasayad sa palad ng mga guwardiya. Ang matindi pa nga rito, wala sa minimum ang sahod at laging delayed? Aba, sa pagkakaalam ng SNIPER X-TREME, monthly period lang ng babae ang nade-delay?

NEPTUNE AGENCY, BUWAYA!

BUWAYA raw sa ‘di lang buwaya ang Neptune Security Agency na naka-base sa Iloilo City. Pinaiiral daw kasi ng mga opisyal dito ang sistemang palakasan. Puro kamag-anak lang daw ang ipinapasok. Ang masaklap pa, walang OT pay, 12 hours ang duty, at wala sa minimum wage! Ano ba ‘yan!